Siakol, nagpasaya ng mga kababayan sa Gitnang Silangan

Nagpasaya ang Filipino rock band na Siakol sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Kuwait nitong Biyernes na ginanap sa Daiya Gym.

Isang courtesy visit isinagawa sa Philippine Embassy sa Kuwait sa pangunguna ni Philippine Ambassador Noordin Pendosina Lomondot bago idaos ang naturang concert.

Maraming kababayan doon ang nagpasalamat sa nasabing banda maging sa mga nag-organisa nito sa pamumuno ng ilang Filipino Organizations sa bansa.

Samantala, ilan sa mga kantang pinasikat ng Siakol ang Lakas Tama, Peksman, Kanto at Bakit Ba kung saan kabilang si Warren Aurin, Marquel Martin, Wowie Flores at Peter Plazon.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *