“Road rehabilitation” sa accident-prone area sa PPC South National Highway, ipinanawagan sa DPWH

Umugong ang panawagan ng mga motorista at netizens na magkaroon ng road rehabilitation o pagsasaayos ng kalsada sa accident-prone area sa Puerto Princesa South National Highway.

Ito ay kasunod ng malagim na trahedya ng shuttle van sa Barangay sta.  Lucia nitong Linggo kung saan, apat ang dead on the spot at ilan ang mga nasugatan.

Ayon sa drayber ng behukulo, hindi mabilis ang kanyang pagpatakbo bago ang aksidente.

Ngunit ayon sa Department of Public Works & Highway, ay mababa na ang gradient ng kalsada kaya additional warning signs na lang umano ang ilalagay sa lugar.

“Mababa na po ung gradient ng kalsada sir additional warning lng po gaya ng rumble strips po kasi me mga road signs na din po tayo.”

Samantala, karamihan umano sa nasasangkot sa aksidente na driver ay hindi nakakasunod sa speed limit.

“40 kms per hour lang po sir [ speed limit]. Ang 80kph po ‘yun ang max speed ng mga kotse at SUV sa traffic rule po ntin at 50kph nman po sa trucks and buses.” OIC Asst. District Engr. Arthur Torillo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *