Roderick Paulate, sinentensyahan ng 62 taong pagkakaulong sa isyu ng ghost employees

Hinatulan na ng guilty si dating Quezon City councilor at komedyanteng si Roderick ‘Dick’ Paulate para sa isang count ng graft, at siyam na counts ng falsification of public documents.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pagha-hire nito ng 30 mga ‘ghost employees’ noong 2010 noong siya pa ay konsehal ng ikalawang distrito ng Quezon City.

Dahil dito, hinatulan ng Seventh Division ng Anti-Graft Court si Paulate ng hanggang walong taong pagkakaulong para sa graft charge; at anim na taong pagkakaulong sa bawat bilang ng falsificaiton charges.

Sa kabuoan, aabot sa hanggang 62 taon na pagkakakulong ang sentensya ng komedyante para sa lahat ng mga kaso.

Maliban kay Paulate, convicted din ang kanyang driver at liason officer na si Vicente Bajamunde.

Pinagbabaayad din Paulate ng P90,000 para sa siyam na counts ng falsification; at kabuoang P1.109Million na may interes na 6% kada taon – ito ay katumbas ng halagang nakulekta sa City Treasurer’s Office na para sana sa dapat sahurin ng mga pinapasok na pekeng empleyado.

Ipinagbabawal na rin si Paulate na makatakbo pa sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *