San Jose Camarines Sur, naka-heightened alert laban sa banta ng COVID-19 Delta variant

NAGA CITY—Naka-Heightened Alert ngayon ang buong bayan ng San Jose, Camarines Sur dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Arnel Armea, Municipal Health Officer, bagamat hindi pa nakakapasok ng probinsya ang nasabing variant, ay mas maigi na ang maging overreacting kaysa naman maging kampante upang mapigilan ang posibleng pagpasok ng mas mabagsik na uri ng virus.

Aniya, bukod sa pagbabantay sa border ng kanilang bayan ay pinahihigpitan narin nito ang monitoring sa mga sasakyang pandagat na posibleng dumaong sa kanilang lugar.

Maaari rin kasi ani Armea na gawing gateway ang San Jose ng mga taong tatawid ng lalawigan gamit ang sasakyang pandagat.

Inabisuhan narin aniya ang Bantay Dagat at mga Barangay Opisyal ng bawat kostal na Barangay upang maging vigilante sa mga bangka posibleng dumaong sa kanilang dalampasigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *