SANAA all: 11-anyos na bata nagawang masolve ang 12-digit multiplication problem sa loob ng 10 minuto

Florida, USA—Walang calculator, walang papel, lapis o ballpen pero nagawang masolve ng isang 11-anyos na batang babae sa Florida ang 12-digit multiplication problem sa loob lamang ng sampong minuto.

Dahil dito ay nakuha ng batang si Sanaa Hiremath ang Guinness World Record para sa largest mental arithmetic multiplication.

Ayon sa ina nitong si Priya, 2-anyos pa lamang si Sanaa nang madiagnose itong may Autism kaya pinag home school nila ito. Dito na nila napansin ang kakaibang galing ng bata sa matematika.

Pero bago ito ay sinubukan sana nilang ipasok sa regular school si Sanaa pero hindi ito pumasa sa Math matapos pagsulatin ng mga numero mula 1-20.

Hindi umano makapagsulat ang bata dahil mahina ang motor skills nito. Dito na sila nagdesisyon na ipasok na lamang sa home schooling ang kanilang anak.

Ayon kay Priya, sa unang pagkakataon pa lang na ipinakilala nila sa bata ang konsepto ng multiplication ay nagulat sila nang halos instant ito kung sumagot.

Humanga ang pediatrician ni Sanaa sa kanyang math skills kung kaya pinag research nito ang kanyang mga magulang kung pwedeng ipasok sa Guinness World Record ang bata.

Dito ay binigyan ang 11-anyos na si Sanaa ng 12-digit number para i-multiply nang walang anumang pansulat.

Nakapiring pa ito nang pinapasok sa silid at tinanggal lamang ang blindfold nang sasagot na siya.

Labis na hinangaan ang bata nang magawa niya itong masagutan sa loob lamang ng sampong minuto daan para makuha ang world record sa largest mental arithmetic multiplication.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *