US naglabas ng travel advisory sa bansang Japan dahil sa COVID-19 surge

Pinayuhan ng US State Department ang kanilang mga mamamayan na huwag nang bumiyahe patungong Japan kaugnay sa nalalapit na Tokyo Olympics dahil sa patuloy na pagdati ng COVID-19 cases.

Inilagay din ng US sa Level 4: Do not Travel ang nasabing advisory o highest cautionary level sa hierarchy of warnings.

Dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19, marami ang nagsasabing dapat ay muling ipagpaliban ng Japan ang Olympics kung saan kabilang sa mga nananawagan ang Tokyo Medical Practitioners Association.

Matatandaan na una nang inihayag ng Japan na tuloy ang Olympics mula July 23 hanggang August 8.

Samantala, maliban sa Japan, nakakuha din ng Level 4 advisory mula sa State Department ang Sri Lanka, Mexico, Brazil at Turkey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *