Sasakyan isang alkalde sa Camarines Sur at motorsiklo nagkabanggan; isa patay

CAMARINES SUR- Patay ang driver ng motorsiklo matapos na aksidenteng makabanggan ang pick-up na pagmamay ari ng isang alkalde sa Camarines Sur.

Nangyari ang aksidente bandang alas 8:45  ng gabi nitong Enero 16, 2023 sa kurbadang parte ng Barangay San Roque sanggkot ang pick up na dala ni Isagani Buela, 56-anyos ng Calabanga Camarines Sur nang makabangaan ang motorsiklong mula sa Naga na minamaneho ni Jose Bueza Y Olalo 51-anyos ng Tinambac parehong lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT. Rechilda Matias, hepe ng Bombon PNP sinabi nitong nakain ng motorsiklo ang linya ng pick up, mabilis ang takbo kaya hindi na nakontrol pa ang motor.

Dead on arrival sa hospital ang driver ng motorsiklo. Nasa maayos na kalagayan naman ang driver ng pick-up pati sakay na si Mayor Eugine Severo.

Nangako ang alkalde na tutulong sa pamilya ng sinawimpalad na driver ng motorsiklo.

Paalala ng PNP mag-ingat sa pagmamaneho, may pamilyang naghihintay sa pag-uwi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *