‘Satanas’ arestado sa kasong arson

SORSOGON CITY – Natuldukan na ang higit dalawang dekadang pagtatago ng isang alias ‘Satanas’ na pinaghahanap ng Magallanes Police dahil sa panununog makaraang hainan ito ng kanyang arrest order sa Sta.Teresita ,Batangas.

Kinilala ang suspek na si Jose Bentula Escote alyas ‘Satanas’, 53 anyos at residente ng Ginangra, Magallanes.

Base sa ulat, naisakatuparan ang pag-aresto sa pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad.

Pinangunahan ng  Magallanes MPS ang operasyon sa pakikipagtulungan ng  Sta. Teresita MPS at ng Batangas PPO bitbit ang Warrant of Arrest na ipinalabas ng 5th RTC, Branch 65, Bulan , Sorsogon para sa kasong arson na walang inerekomendang piyansa.

Ang kaso ng suspek ay nag-ugat pa noong taong 1999.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *