5,000 FFPs mula sa DSWD Central Office, nakatakdang idala sa Batanes bukas

Nakatakdang idala ng Department of Social Welfare Development Central Office katuwang ang Philippine Air Force at OCD ang 5,000 family food packs sa probinsya ng Batanes bukas, September 14, 2021.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Disaster Response Management Division Chief Marciano Dameg, nasa 252 na sako ng bigas at canned goods lamang ang prepositioned goods na nasa Batanes.


Ito ang dahilan kaya’t nagrequest ang kanilang tanggapan sa central office ng karagdagang 5,000 FFPs upang agarang maibigay sa mga apektadong residente ng Bagyong Kiko.


Bukod dito, nagrequest naman aniya ang LGU Baggao Cagayan ng 766 na FFPs sa DSWD RFO2 na nakatakdang kunin ngayong araw.
Ayon pa kay Chief Dameg, nasa 23, 017 FFPs na nagkakahalaga ng 11.9 milyon pesos at 12.5 milyon na NFIs sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Field office sa Cagayan ang nakahandang ipamahagi anumang oras.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang repacking ng DSWD RFO2 ng mga family food packs upang agarang mabigyan ang mga LGU na magrerequest nito.


Bukod sa mga naapektuhan ng bagyong Kiko ay namamahagi rin ng FFPs ang ahensya sa mga LGU na mababa na ang calamity o QRF fund dahil sa lockdown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *