Seasonal vendors asahan sa Naga City, asahan na ngayong Araw ng mga Puso

NAGA CITY – Bisperas na ng Araw ng mga Puso, asahan na ang kaliwa’t-kanang seasonal vendors na makikita sa sentro ng Naga City partikular na sa Plaza Rizal at Plaza Quezon.

Ang mga ito ay nagtitinda ng iba’t-ibang uring mga bulaklak, teddy bear at iba pang mga pang regalo ngayong Valentine’s Day para sa mga minamahal.

Kaugnay nito, ang mga personahe ng Public Safety Office at ng Naga City Police ang nasa  paligid naman para sitahin, hulihin ang sinumang vendors na pupuwesto sa maling lugar.

Tanging ang City Smile Vendors Association, grupo ng mga seasonal vendors ang lehitimong pinayagaan ng lokal na pamahalaan para mag puwesto sa Kinastilyuhan Street na nasa pagitan ng Plaza Rizal at Plaza Quezon.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Jess Albeus, chairman ng Consumer Protections sa konseho, sinabi niyang kailangan na may regular na PSO at PNP members na makakita sa lugar dahil sa inaasahan na nila ang mga illegal vendors.

Anya’y nakipag-usap na rin siya kay PSO Executive Director Renne Gumba hinggil sa isyung iyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *