Sen. Bato, pagod na umano sa paulit-ulit na argumento sa usapin ng ICC

Pagod na umano si Sen. Bato Dela Rosa sa aniya’y paulit-ulit na argumento sa usapin ng ICC, kaya gaya ng gobyerno.

Sa panayam sinabi ng Senador na hindi na siya makikipagtulungan kung matuloy man ang imbestigasyon.

Si Sen. Dela Rosa ang pinuno ng PNP nang ipatupad ang giyera kontra droga.

Matatandaang ibinasura ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan,  ang mga argumento ng Pilipinas sa apela na itigil ang imbestigasyon sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte.

Ito’y kahit pa nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na walang hurisdiksiyon ang korte sa pagsasagawa ng naturang imbestigasyon.

Ayon naman kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, hindi rin kikilalanin ng Pilipinas ang anumang imbestigasyon na isasagawa ng ICC sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ito ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi na magkaroon ng kahit anong komunikasyon ang pamahalaan sa internasyonal na korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *