Sen. Go nagbabala sa publiko kaugnay sa pagkalat ng mga ‘fake news’ ngayong malapit na ang eleksiyon

Nagbabala si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na mag-ingat sa pagkalat ng mga ‘fake news’ ngayong nalalapit na eleksiyon.

Ayon sa senador asahan na ang walang katapusang kasinungalingan at pagpapakalat ng pekeng mga balita na mula sa mga grupong walang ginawa kundi manira ng kapwa.

Layon umano ng grupong nasa likod nito na magtanim ng galit at magkawatak-watak ang mga tao para sa kanilang political agenda at pansariling interes.

Iginiit nito na hayaan na lang ang taumbayan na humusga kung sino ang tunay na nagtatrabaho, sino ang nagmamalasakit, at sino ang talagang nagseserbisyo sa bayan.

Kaugnay nito ay hinimok ni Go ang kanyang mga kababayan na maging  vigilant at  ugaliing mag-validate ng mga impormasyon dahil naglipana na naman ang mga nagkakalat ng black propaganda.

Dagdag pa ni Go na hindi na siya nagugulat sa mga naglalabasang paninira dahil istilo na ito ng  maruming pulitika sa bansa  pero riwala siyang hindi na maloloko  ang mga Pilipino

Inihayag pa ni Go na maging ang kanyang pamilyang nananahimik sa probinsiya ay nadadamay na sa pagbabato sa kanya ng mga fake news .

Nanindigan naman si Go na sa kabila ng pagpapakalat ng mga fake news laban sa kanya ay tuloy ang kanyang serbisyo sa bayan dahil tanging hangad lang nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsilbi sa mga kababayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *