Tolentino iginiit na panagutin ang may ari ng oil tanker na nagdulot ng oil spill sa Mindoro

NAGA CITY- Personal na tumungo sa Gainza , Camarines Sur si Senator Francis Tolentino upang pangunahan ang pagbibigay ng Educational Assistance para sa mga Person’s With Disability at Solo Parent sa naturang pinaka maliit na bayan.

Kasabay nito kahapon ang nakatakdang  pagdinig kaugnay sa pinsalang dulot ng oil spill o tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro kaya naman bago humarap sa Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change  via zoom  binangit niya rin ito sa publiko.

Sinisilip ng Senado kung naipapatupad ba ang Oil Compensation Act of 2007 na nag-uutos ng agarang pagbibigay ng kompensasyon sa mga residenteng labis na naapektuhan.

Una nang binigyan diin ni Tolentino na dapat alamin kung pasado nga ba sa seaworthiness ang nasabing oil tanker , panagutin sa lalong madaling panahon sa mga responsable at ang mga hakbang upang mapigilan sana ang paglawak ng pagkasira ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *