Senador Bong Go, suportado ang proposed budgets ng PDEA at DDB

Ipinahayag ni Senador Bong Go ang suporta para sa proposed budgets ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Sa budget hearing ng PDEA at DDB, sinabi ng senador na full support sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proposed budget ng mga ahensya dahil di magiging matagumpay ang kampanya kontra droga kundi dahil sa pagsisikap ng PDEA at DDB.

Ayon sa senador, kailangan ng dalawang ahensya ang bawat sentimo para maisagawa ang kanilang mandato at kahit na di magiging madali ang pag-apruba sa pondo, alam nyang kayang harapin nina Director General Wilkins Villanueva at Chairman Catalino Cuy ang hamon.

Gayunman, muling binigyang diin ni Go ang kanyang panawagan na maging multi-faceted ang paglaban ng bansa sa ilegal na droga kung saan dapat tandaan na biktima rin ang mga drug user na nangangailangan ng physical, psychosocial, at spiritual help dahil pwede pa rin silang maging produktibong mamamayan.

Dahil dito, kaya nananawagan si Go sa mga mambabatas na i-fast track ang pagpasa sa mga panukalang layong bumuo ng anti-drug abuse councils at rehabilitation centers sa mga lokalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *