Senador, hinikmok ang DepEd na gawing cohesive at holistic ang mental health programs

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin na ang kanilang mental health program ay parehong cohesive at holistic.

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, na naalarma siya na ang pagpapatupad sa mental health programs ay hindi consistent sa mga paaralan sa buong mundo.

Binigyang diin ng senador na, sa kabila ng mahalagang papel ng mga magulang sa pagpapaigting sa kapakanan ng mga bata, ay wala umano silang formal involvement sa umiiral na mental health programs ng gobyerno.

Giit pa nito, kailangan umano na ma-institutionalize ito at ma-sustain din, dahil maraming mental health disorders ang may malaking banta na magpakamatay.

Batay sa datos ng ahensya noong 2021, nasa 404 na mga learners ang nasawi dahil sa suicide, habang 2,147 naman ang attempted suicide, pero nasa 16,557 lang mula sa 60,157 na mga paaralan sa bansa ang nagbigay ng guidance offices at 21,837 na mga paaralan ay hindi nagsagawa ng mental health celebration at awareness programs.

One thought on “Senador, hinikmok ang DepEd na gawing cohesive at holistic ang mental health programs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *