Senador, ieendorso ang hiling na taasan ang sahod ng mga guidance counselors

Nakatakdang i-endorso ng Senate Committee on Basic Education ang hiling ng Department of Education (DepEd) na taasan ang sahod ng mga guidance counselors para matiyak na ang mga estudyante ay magkakaroon ng sapat na access sa mental health programs, sa harap na maraming mga estudyante ang nakakaranas ng mental health issues.

Noong 2021, nagtala ang DepEd ng 404 suicide cases na kinabibilangan ng mga estudyante at 2,147 attempted suicide cases.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Dexter Galban, ito ay alarming rate na patuloy na tumataas.

Sa gitna nito, nasa 775,962 na mga estudyante ang humingi umano ng guidance counseling sa naturang taon.

Sinabi rin ni Galban na ang bilang ng mga kaso ng bullying ay maaring underreported.

Mababatid na sa Senate Bill No. 379, o ang panukalang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na inihain noong 2022, layunin nito na taasan ang sahod ng mga Guidance Counselor I mula sa SG 11 (P25,439) sa SG 16 (P38,150), Guidance Counselor II mula sa SG 12 (P27,608) sa SG 17 (P41,508), at Guidance Counselor III mula sa SG 13 (P29,798) sa SG 18 (P45,203).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *