Senador iminungkahi ang paggamit ng road tax bilang dagdag equity subsidy sa Modernization Program ng gobyerno

Iminungkahi ni Senator Grace Poe  ang paggamit ng Motor Vehicle Users’ Charge fund bilang karagdagang equity subsidy para sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.

Ginawa ni Poe ang mungkahi sa pagdinig ng Senado kahapon sa gitna ng plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board) na i-phase out ang mga traditional jeepney.

Ang MVUC fund na kinokolekta sa mga motorista ay dapat pinapamahalaan ng Road Board at gagamitin para sa road maintenance at pagpapaganda road drainage, pagkakabit ng traffic lights at road safety devices at air pollution control.

Sabi ni Poe, hindi makakayanan ng mga driver na makabili ng modernong jeep na nagkakahalaga ng P2.3 milyon bawat isa gayong ang kinikita lang nila ay P755 kada araw.

Hinimok din ng senador ang LTFRB na ibunyag ang kanilang mga plano sa mga jeepney driver na hindi makasunod sa modernization program. Hiniling din niya ang update ng LTFRB sa Local Public Transport Route Plan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *