Senador, nanawagan ng full blown audit sa mga ginastos ng gobyerno sa Covid-19 vaccines

Nanawagan si Senator Francis Escudero ng full blown audit sa mga ginastos ng gobyerno sa Covid-19 vaccines.

Sinabi ni Escudero , nagdududa siya kung ang tinatawag na ” non-disclosure agreement o NDA na nilagdaan ng gobyerno sa mga vaccine manufacturers bago ang pagbebenta ay maaaring gawing dahilan para itago ang procurement details nito.

Inilarawan rin ng Senador ang NDA bilang “new breed of an excuse” upang maiwasan ang pananagutan at dapat na aniya itong itigil.

Dahil dito, hinimok ng mambabatas ang Commission on Audit na maglabas ng subpoena sa mga dokumento at himukin ang Department of Health at iba pang ahensya na mag comply rito.

Una nang naiulat na nasa 245 million doses ng mga Covid-19 vaccines ang binili o natanggap ng gobyerno nang libre at humigit-kumulang 44 million naman rito ang nag-expire sa pagtatapos ng 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *