Senador, naniniwalang maipapasa ang panukalang MIF na may sapat na safeguards

Naniniwala ang isang senador na kung may sapat na safeguards ay hindi malayong maipasa ang panukalang Maharlika Investment Fund.

Sa isang panayam, sinabi ni Senate Pres. Juan Miguel Zubiri, nananatiling kabilang ang MIF sa priority legislation ng Pangulo.

Nais umano ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC na maipasa ang panukala bago ang June 2.

Pasado na ang panukalang MIF sa 3rd and final reading sa Kamara.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *