8 sa 10 Pilipino, naniniwala na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos

Walo sa sampung Pilipino ang naniniwala na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Batay ito sa resulta ng March 2023 first quarter survey ng OCTA research.

Base sa survey na isinagawa mula March 24 hanggang 28, sa 1, 200 adults, lumalabas na 76 percent ng mga Pilipino ang naniniwala na ang bansa ay patungo sa tamang direksyon batay sa mga patakaran at programang inilalahad at ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon.

Sa mga pangunahing lugar, ang Visayas ang may pinakamataas na porsyento sa 87 percent sinundan ng Balance Luzon sa 77 percent  Mindanao (75%), at National Capital Region (59%).

Ang survey, ay isinagawa ng face-to-face interviews, at may ±3% na margin of error sa 95% confidence level.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *