Senadora, tinutulan ang planong paglipat ng Philhealth sa OP

Tinutulan Sen Risa Hontiveros  ang planong paglipat ng Philhealth sa Office of the President.

Sa isang ulat , lumikha na umano ng technical working group ang DOH at Philhealth para ito pag-aralan.

Tanong ni Hontiveros , bakit iiwanan ng DOH ang responsibilidad at pananagutan nito sa Philhealth.

Bakit rin aniya naging interesado ang  Office of the President na mangibabaw sa operasyon ng Philhealth.

Binigyang-diin ng senador,  isinailalim ang Philhealth sa DOH para sa policy coordination at pagpapatupad ng batas ukol sa Universal Health Care.

Ipinunto pa ng mambabatas, na namomroblema na ang bansa sa asukal at iba pang produktong agrikultural at pataas na pataas ang presyo ng bilihin at ito ang inaasahang tututukan ng Malacanang.

Huwag naman sana aniyang abutin ng problema ang kalusugan at libreng medical services na ibinibigaty ng gobyerno nang dahil sa plano.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *