Send-Off Ceremony sa mga atleta ng Naga City sa Palarong Bicol 2023, isinagawa ngayong araw; cash allowance naibigay na rin

NAGA CITY – Kasabay ng mainit na panahon, mainit din ang ginawang Send – Off Ceremony ng Naga City ngayong araw sa mga atletang magiging bahagi ng Modified Palarong Bicol 2023.

Sa City Hall ground ginawa ang seremonya na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Education ng lungsod, mga coaches, mga City Officials sa pangunguna ni Mayor Nelson Legacion.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Legacion na malaking hamon ang sports events na ito sa mga Atletang–Nagueno dahil sa muling pagbabalik ng Palarong Bicol na wala ng restrictions laban sa COVID-19.

Kumpiyansa ang Alkalde na mangyayari na muling mangunguna sa mga sports events ang mga atleta na ilang beses ng napatunayan kahit doon sa National Level, sa Batang Pinoy.

Binanggit din ni Legacion ang cash incentives na tatanggapin ng mga atleta sa oras na makakuha ang mga ito ng mga medalya.

Kasabay nito, ngayong araw din ay ibinigay sa bawat atleta ang kanilang cash allowance mula sa City Government na nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong piso.

Nasa limang milyong piso ang pondo ng LGU sa Palarong Bicol ngayong taon. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *