Senior citizens mula sa malalayo at islang Barangay ng Mercedes isasalang na rin sa bakunahan ngayong linggo

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Municipal Health Office (MHO) sa bayan ng Mercedes sa pamamagitan ng kanilang official social media account na isasalang na rin ngayong linggo ang mga senior citizens o ang A2 priority group na mula sa malalayo at islang Barangay.

Ngayong araw ay nakatakdang bakunahan ang senior citizens na mula sa mga Barangay ng Manguisoc, Catandunganon, Gaboc, Cayucyucan, Mambungalon, Caringo, Apuao at Quinapaguian.

Gagawin ang pagbabakuna sa Cayucyucan Elementary School.

Ayon sa MHO ang lahat ng Barangay na nabanggit ay binibigyan ng tig 40 slots/doses.

Sa Martes naman, August 3, ay sabay na isasagawa ang inisyal na bakunahan  para sa mga Poblacion at iba pang Coastal Barangays kung saan prioridad din ang mga senior citizens.

Mula ito sa Barangays Del Rosario, 6, 7, 1, 2, Matoogtoog, Hinipaan, Masalongsalong at Pambuhan.

Ang venue ay sa MDRRMO Ground at Pambuhan Elementary School.

Habang sa Miyerkules, August 4 ay ang mga senior citizens naman na nasa pinakamamalayong Barangay na ng naturang bayan tulad ng Tarum, Colasi, Hamoraon, Lanot at Lalawigan ang babakunahan na gaganapin sa Pambuhan Elementary School.

Patuloy naman daw na nag-iikot ang  mga Barangay Health Workers (BHW), Nurses at Midwives upang kausapin ang mga namamarangay at ilista  para sa susunod na schedule ng COVID vaccine.

(Photos Courtesy: MHO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *