Sex education pinag- uusapan na rin umanong ibaba sa intermediate level- DepEd Official

CAMARINES NORTE- Inihayag ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na napag- uusapan na rin ngayon ang posibilidad na ibaba sa elementary level partikular sa intermiediate ang sexual reproductive education.

Ayon kay Atty. Niño Raro, Chief ng School Governance and Operation Division ng DepEd Camarines Norte sa ngayon umano ay integrated pa lamang ito sa curriculum sa sekundarya partikular sa senior High School.

Sinabi ito ng opisyal makaraang mapag usapan ang isyu tungkol sa early pregnancy noong nakaraang linggo sa isang forum na inorganisa ng PNP -Special Action Force na ginanap sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Sa panig din umano ng DepEd ay nandiyan ang Alternative Learning System (ALS)  nag o- offer ng skills training na iba sa formal system.

Kaya naman kahit nagtatrabaho o anumang hanapbuhay ay pwedeng mag- aral sa ilalim ng ALS dahil ang schedule ay ibabase sa availability ng mag- aaral.

Dagdag pa nito na nakatuon ang ALS hindi para maging isang “job seeker” ang estudyante kundi maging job maker.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *