Shabu itinago sa pakete ng AJINOMOTO; dalawa pang ‘tulak’ arestado sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Masbate

SORSOGON CITY – Hindi pa rin nakalusot sa mga drug enforcement unit ng Aroroy Police ang isang 39-anyos na dalaga makaraang masamsaman ito ng shabu na inilagay sa bakanteng plastic sachet na may markings na Ajinomoto, brand ng isang kilalang food seasoning.

Kinilala ang suspek na si Lorena Fuentes Marcos, negosyante at naninirahan sa Brgy Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate. Nasamsam dito ang limang sachet ng shabu.

Si Marcos ay subject ng search warrant sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs.

Sa lungsod naman ng Masbate ay timbog sa buy-bust ang isang Provincial Target Listed Drug Personality na si Edward Dela Peṅa, 18-anyos, binata at naninirahan sa Brgy Ibingay ng nasabing lungsod. Positibong nakapagbenta ito ng isang pakete ng shabu sa poseur buyer kapalit ng P500.00.

Timbog din sa buy-bust ang 51-anyos na si Rolando Canale Uy, Habal-habal driver, residente ng Brgy Maolingon, Mandaon makaraang makapagbenta ito ng isang pakete ng shabu at nakumpiska pa rito ang tatlong medium size sachet ng ilegal na droga.

Ang tatlong suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *