‘Shifting allegations’ ng PATAFA, binatikos ni Obiena

Nanindigan ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena na wala siyang ginawang mali kaugnay sa isyu ng pagpapasweldo sa kaniyang Ukranian coach na si Vitaly Petrov.

Sinabi ni Obiena na ikinagulat niya ang “shifting allegations ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) labhan sa kaniya.

Ipinunto niya na matapos niyang lumabas sa isang press conference noong November 20 kasama si Vitaly, at pagtanggi sa mga alegasyon ay bigla na lang umano nagpalit ng mga written accusations ang federation.

Aniya, imbis na aminin ang kanilang pagkakamali ay pinalitan nila ang subject kung saan ay nakatuon ang isyu sa hindi niya pagpapasweldo kay Petrov sa tamang oras.

Iginiit ni Obiena na malayo ito mula sa embezzlement at theft na unang inakusa sa kaniya ng PATAFA.

Ayon kay Obiena, bagama’t hindi siya abogado, ay alam niya na hindi krimen ang maging late sa bayaran.

Matatandaan na inutos ng PATAFA kay Obiena na ibalit ang mahigit P4.8-million sa federation dahil sa kabiguan nito na paswelduhin ang kaniyang coach.

Inakusahan rin siya ng federation ng pamemeke ng kaniyang liquidation reports.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *