Shipment ng baboy mula Palawan papunta sa Manila, posibleng masimulan bago matapos ang Oktubre

Handa na ang 2 hog van na gagamitin sa shipment ng mga baboy mula dito sa lalawigan ng Palawan patungo sa mga Manila.

Ayon sa tagapagsalita ng Palawan Swine Producers Association na si Patrecio T. Aguelo Jr. may ilang mga dokumento na lamang ang kakailangan para sa shipment.

Dagdag pa niya, posibleng masimulan ang paghahatid nito sa Maynila bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Kaugnay nito, hinikayat niya ang mga hog raisers na magbebenta ng kanilang mga alagang baboy na makipag-ugnayan sa kanila at bibilhin umano ito sa makatwirang halaga.

Kung matatandaan, maraming mga nag-aalaga ng baboy sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan ang umaaray na sa napakababang bilihan nito ng mga buyers na kung saan ang dahilan naman ng mga ito ay maraming mga stocks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *