Signal No. 1, nakataas sa Batanes, Babuyan Islands re: Fabian

Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes at Babuyan Islands, habang patuloy na mabagal ma kumikilos ang Bagyong Fabian pa-westward ng Philippine Sea, southeast ng Yaeyama Islands.

Sa huling forecast ng Pagasa, huling namataan ang sentro ni Fabian sa 505 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas na hangin na 150 km per hour, malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 185 kph.

Ayon sa weather bureau, ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at northern portion ng Palawan kabilang na ang Calamian at Kalayaan Islands ay makakaranas ng monsoon rains dahil sa habagay na paiigtingin ni Fabian.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Fabian sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *