KORONADAL CITY- KULANG ang manpower ng South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) lalo na ng mga nurses.
Ayon kay Dr. Conrado Braña, chief ng SCPH na ito ay dahil sa marami ang nag-resign.
Inihayag ni Braña na karamihan sa mga nurse na nag-resign ay pumasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Marami din aniya ang nag-resign dahil na-employ sa Nurse Deployment Program (NDP) ng Department of Health at ang iba ay nag-aaplay na upang magtrabaho abroad.
Dahil dito, hiring ngayon ng dagdag na mga nurses ang provincial hospital at hinihikayat ni Braña ang mga kwalipikado na mag-apply.