Mayor Ongjoco nagpasalamat sa Pabahay Project ng PRC sa Guinobatan Albay

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Mayor Ann Gemma Ongjoco ng Guinobatan personal niyang ibinigay ang pasasalamat sa mga tumulong para masimulan ang pagpapatayo ng mga Pabahay para sa mga nawalan ng tirahan.

Ito ang inihayag ng Alkalde ng Guinobatan sa ginawang groundbreaking at inauguration nitong nakaraang araw sa Barangay Bubulusan Resettlement Site ng nasabing bayan.

Ayon kay Ongjoco, hindi matatawaran ang mga ginawang pagtulong ng Philippine Red Cross sa pangunguna si Senador Richard “Dick” Gordon at Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na nagbigay ng pabahay sa mga nawalan ng tirahan dahilan sa 3 bagyong nanalasa nitong mga nakaraang taon 2020.

Ang resettlement site sa nasabing barangay ay bigay ng pamahalaang panlalawigan, nagbigay din ng mga housing unit si Senador Gordon na siya ring Chairman ng Philippine National Red Cross na umaabot sa 167.

May 236 residente galing sa Bgy.Travesia, San Francisco,San Rafael,at Bubulusan ang unang batch ng makakatira sa nasabing resettlement site.

Ang site ay may kabuuang bilang ng pabahay na hindi bababa sa 547 yunit na malaking tulong para sa ligtas na tirahan ng mga residente lalo na ang dating nakatira sa mga binabahang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *