Binisita ni Department of Agriculture Sec. William Dar ang Solar-Powered Ferigation System Project sa Lubao, Pampanga kahapon.
Ipinakita ng Prado Siongco Rice and Corn Farmers Association ang benipisyo ng proyekto na pinondohan ng kagawaran.
Ayon sa samahan malaking tulong ito lalo na ngayong mataas ang presyo ng produktong petrolyo.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 1.9 million pesos at nasususportahan ang walong ektaryang lupain na may palay, mais at gulay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Sec. William Dar