7 huli sa Operation Manhunt Charlie

SORSOGON CITY – Arestado ang pitong indibidwal sa isinagawang Operation Manhunt Charlie ng mga awtoridad ngayong araw, Marso 22 sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina Efren Labayo Dio, 50-anyos, may asawa, tricyle driver at naninirahan sa Brgy San Juan ‘Roro;’ Joel Lastrella Deocariza, 45-anyos, may asawa, residente ng Brgy Bibincahan at Renerio Lastrilla Jalmanzar, 41-anyos, may asawa, tricycle driver at naninirahan sa Brgy Bucalbucalan.

Ang mga ito ay hinainan ng kani-kanilang arrest order sa kasong paglabag sa RA 8048 o illegal cutting of coconut trees.

Sa kasong illegal gambling naman ay naaresto sina Leofoldo Bonete Legazpi, 56-anyos, binata, jeepney driver; Cristina Dao Isanan, 54-anyos, may asawa at Leonida Laurora Marantal, 60-anyos, may asawa lahat naninirahan sa Brgy Bucalbucalan, West District ng nasabing lungsod. Ang mga ito ay naaktuhang nagsusugal ng tong-its.

Sa tupadahan naman nadakip at ngayon ay nahaharap na kasong paglabag sa PD 449 ang tricycle driver na si Jaime Levantino Lasin, 63-anyos, may asawa at residente ng Brgy Pangpang, West District.

Ang pitong akusado ay nasa kustudiya na ng himpilan ng Pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang dipsosisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *