Sonar imaging crew, may nakita sa ilalim ng posibleng crash site ng missing air ambulance- PAMAS

Pahirapan ngayon ang ginagawang sonar imaging survey sa posibleng crash site ng missing air ambulance sa Balabac, Palawan.

Ayon kay PAMAS Palawan Director Sean Knapp, masama kasi ang panahon sa karagatan at malalaki ang alon kung saan isinasagawa ang sonar imaging.

Sa panayam ng Brigada kay Sean, pabalik na umano sa air base ang Angel Flight Sonar Team at PAMAS Team ngayong araw bago simulan ang pag-analyze sa nakuhang datus.

Inihayag ni Knapp na may nakita na di umano ang sonar imaging crew sa tinatayang 95-100 metrong lalim ng dagat ngunit susuriin pa ito at kailangan ng mas malinaw na imahe bago ito puntahan ng technical divers.

“They discovered something that were hopeful and that the depth of the ocean is between 95 and I think  100 meters which is in range of technical drivers.”

“They did spot something on the [sea] floor but it really needs to be analyze and right now we’re in touched with further groups trying to gets better equipment.”  dagdag ni Sean Knapp sa Brigada.

Samantala, ang mga volunteers at Philippine Coast Guard ay patuloy pa rin sa rescue efforts makalipas ang isang Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *