Sotto, iimbitahan si Duterte sa pag-revive ng Citizen’s Drug Watch Group

Pinaplano umano ni outgoing Senate President Tito Sotto na muling buhayin ang isang non govermental organization na nakatutok sa pagsawata ng iligal na droga.

Ayon kay Sotto, balak nilang i-revive ang Citizen’s Drug Watch Group – grupo na binuo noon ni dating senador Ernesto Herrera kung saan ay vice chairman si Sotto.

Aniya, malaki ang maitutulong ng grupong ito hindi lamang sa pagbabantay sa kalakaran ng iligal na droga – kundi pa rin sa rehabilitation ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot at biktima ng lipunan dahil sa mga nagtutulak ng droga.

Maliban pa rito, sinabi rin ni Sotto na iimbitahan din niya si outgoing President Rodrigo Duterte lalo na’t pareho na silang mga ‘private citizens’.

Bago ito, una nang tinanggihan ni Duterte ang alok ng susunod na administrasyon na maging drug czar nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *