Speaker Romualdez, suportado ang mga inilatag na measures ni Marcos sa APEC Summit

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na mananatili ang malakas na suporta ng Kongreso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtugon nito sa mga ‘critical issues’ o mga suliranin na tinalakay nito sa nagpapatuloy na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Romualdez, sang-ayon siya sa assessment ni Pangulong Marcos na ang mga suliraning kinakaharap ngayon ng bansa ay maituturing na pinakaseryosong pagsubok kasabay ng recovery mula sa pandemya.

Sinabi ng mambabatas na kabilang sa mga critical issues na ipinunto ng Pangulo sa APEC Summit ay ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin pagbaba ng suplay ng iba’t-ibang produkto kasama ang pagkain at ang tinatawag na geopolitical conflicts.

Una rito, kasabay ng kauna-unahang Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) meeting noong nakaraang buwan, nangako ang Kongreso maging ang Senado na i-a-adopt at susuportahan nila ang mga priority measures na inilatag ng punong ehekutibo para masolusyunan ang iba’t-ibang suliranin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *