SSS, GSIS hindi na isasama sa pagkukunan ng pondo ng Maharlika Fund bill

Hindi isasama bilang source ng pondo ang Government Service Insurance System o GSIS at Social Security System o SSS para sa panukalang Maharlika Investment Fund sa gitna ng pangamba ng publiko tungkol sa pagkawala ng mga benepisyo ng mga pensionado sa bad investments.

Ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, magpupulong ang House of Representatives Committee on appropriations sa December 8, upang amyendahan ang panukalang batas na mag aalis sa P125 bilyon mula sa GSIS at ang P50 bilyon mula sa SSS na orihinal na nakasaad sa ilalim ng House Bill No. 6398.

Si Quimbo ang senior vice chairperson ng Committee on appropriations ay isa sa mga may-akda ng panukalang batas.

Umakit ng kontrobersiya sa mga opposition lawmakers at mga kritiko ang sovereign wealth fund na naglalayong magsama-sama ng mga pondo upang payagan ang pamahalaan na gumawa ng mga pamumuhunan sa Pilipinas at sa ibang bansa at gagamitin ang mga premiums o buwanang kontribusyon ng mga manggagawa ng gobyerno sa GSIS at pribadong sektor sa SSS.

Nangangamba sila na kapag nabigo ang mga pamumuhunan ay maaapektuhan nito ang pagbabayad ng benepisyo ng mga pensyunado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *