Hinihikayat ng Social Security System ang mga myembro nito na mag-ipon sa pamamagitan ng Worker’s Investment and Savings Program o WISP Plus.
Ito ay isang voluntary provident fund ng SSS kung saan maaaring mag-ipon ang isang myembro sa halagang 500 pesos kada buwan o higit pa.
Paliwanag ni SSS Region 3 Acting Senior Communication Analyst, ang programa ay principal protected ang hulog at target ng ahensya na mayroong 6% interest kada taon.
Maaaring mag-enrol ang interesadong myembro sa pamamagitan ng My.SSS portal kung saan makikita sa may services ang pag-eenroll sa WISP Plus at pagkatapos ay sundin lamang ang mga kasunod na instructions.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
