Sss naglabas na ng guidelines para sa dalawang programa

Naglabas na ang Social Security System ng guidelines tungkol sa dalawang assistance program nito ngayon para sa mga myembro at pensioner na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa nakalipas na Bagyong Karding.

Alinsunod sa Circular No. 2022-027, binuksan ng SSS ang Calamity Loan Assistance Program para sa mga myembro at Three-Month Advance Pension para sa SS at Employees’ Compensation pensioners sa mga residente ng in Nueva Ecija (Province-Wide), Dingalan, Aurora, Macabebe at Candaba sa Pampanga, San Miguel, Bulacan, Cabangan, Zambales, Concepcion, Tarlac, Burdeos, General Nakar, Jomalig, Panukulan, Patnanungan, at Polilio in Quezon Province.

Binuksan ang aplikasyon para sa programa mula ang October 7, 2022 hanggang January 6, 2023.

Ito ay para matulungan ang mga myembro at pensioners na naapektuhan ng nakalipas na kalamidad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *