Sundalo, patay habang ang 3 kasamahan, sugatan matapos masabugan ng land mine sa Oas, Albay

Patay ang isang sundalo habang tatlo namang mga kasamahan nito ang sugatan matapos masabugan ng land mines sa Brgy. Ramay, Oas, Albay.

Kinilala ang nasawing sundalo na sin 2nd Lt. Nico Malcampo, 31 anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Legazpi, napasugod ang mga sundalo sa lugar matapos makatanggap ng sumbong ang 49th Infantry Battalion ukol sa extortion activity na ginagawa umano ng mga rebelde sa isang construction project sa lugar.

Nang marating ang lugar ay dito na nagkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang panig na nagresulta sa pagkasawi ng isang miyembro ng hinihinalang rebelde.

Umalingawngaw din ang malakas na pagsabog ng anti-personnel mine mula sa panig ng mga rebelde na agad ikinasawi ng sundalo at sugatan ang ilang mga kasundaluhan.

Narekober din sa kanila ang tatlong matataas na kalibre ng baril at iba pang kagamitan ng mga rebelde sa pinangyarihan ng insidente. 

Ang biktima ay produkto ng OCC Class 54-2020 na tubong Basilan at may  naulilang isang taong gulang na anak na babae.

Kinondena rin ng pamunuan ng 9th Infantry (Spear) Division ng Philippine Army ang pag-atake ng mga hinihinalang rebelde sa tropa ng gobyerno sa nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *