Sunog sumiklab sa Atimonan, Quezon; 12 bahay natupok

Sumiklab ang isang sunog sa Brgy. Zone I Poblacion, Atimonan Quezon nitong Lunes ng umaga, Abril 3.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Atimonan, bandang 7:54 ng umaga nang maireport ang naturang sunog habang 8:20 na ng umaga nang kanilang nakontrol ito at alas nasa alas 9:50 ng umaga nang maideklara nilang fire out.

Sa eklusibong panayam ng Brigada News FM Lucena sa BFP Atimonan, kasalukuyan pang nasa imbestigasyon kung ano pinagsimulan ng naturang sunog at kung magkano ang kabuuang pinsala nito.

Habang nasa 12 bahay naman ang natupok ng apoy kung saan pito sa mga ito ay totally damaged at ang lima ay partially damaged na karamihan ay gawa sa mga light materials.

Sa kasalukuyan, nasa evacuation center na ang nasa 25 pamilyang apektado ng sunog at nabigyan na ng paunang tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Atimonan at ng tanggapan ng DSWD.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga pamunuan ng BFP Atimonan sa mga residenteng tumulong sa pag apula ng apoy at maging sa mga Plaridel, Gumaca at Pagbilao fire station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *