Sunshine Cruz at boyfriend na si Macky Mathay, nag-unfollow sa isa’t-isa sa IG

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang umano paghihiwalay na nina Sunshine Cruz at nobyong si Macky Mathay, matapos mapansin na hindi na nakafollow ang isa’t-isa sa Instagram.

Sa kanyang social media update ilang araw na ang nakakaraan, sinabi ni Cruz na marami umano siyang naging realizations at hamon habang naka-isolate ng 35 araw.

Sa gitna nito, walang komento ang dalawa hinggil sa kanilang relasyon, bagama’t ang kanilang mga larawan ay makikita parin sa kani-kanilang mga accounts, habang ginagamit parin ni Mathay ang profile picture na magkasama nila ni Cruz.

Mababatid na ang huling post naman ng mga larawan ng aktres kasama ni Mathay ay noong 18th birthday celebration ng kanyang anak na si Samantha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *