Suplay ng karneng baboy sa Koronadal, sapat ngayong Pasko

KORONADAL CITY — MAY sapat na suplay ng karneng baboy ang lungsod ng Koronadal ngayong nalalapit nga Kapaskuhan sa kabila ng banta ng African Swine Fever o ASF sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng lungsod, inihayag nito na sa ngayon, sapat ang supply ng karneng baboy ngunit importante pa rin na mag-ingat ang lahat laban sa ASF.

Dahil dito, nananatili umanong alerto ang lungsod dahil sa mga kasong naitatala sa mga karatig-bayan.
Sa kabila nito, malaki ang risgo ng lungsod sa ASF dahil sa hindi magandang biosecurity sa mga baboyan lalo na sa mga backyard hog raisers na walang mga perimeter fence at maaaring pasukin ng sinoman na posibleng magdadala ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *