Suspek sa pagpatay sa isang dalagita sa El Nido, kulong na; walang malinaw na motibo- PNP

Nakakulong na ngayon ang isang Willie Palay Dancil, 55 anyos ng Brgy. New Ibajay, El Nido, Palawan.

Ito ang suspek sa pananaga ng ilang beses sa isang 14 anyos na babae sa Barangay noong April 12, 2023.

Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa katawan at mukha nang ito ay pagtatagain ng suspek habang pauwi na.

Ayon sa El Nido PNP, nitong ika-15 ng Abril nahuli ang suspek  bandang alas-tres ng hapon sa kanyang bahay.

Napag-alaman na nasangkot na rin ito sa murder case noong siya ay 17 anyos pa lamang kung saan tatlo ang naging biktima.

May mga bata na rin umano itong hinabol ng itak sa barangay, ayon pa sa El Nido PNP.

Samantala, walang malinaw na motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *