Suspek sa panggagahasa sa pinsan na may kapansanan arestado sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Kulungan ang kinalagyan ng isang lalaki na wanted sa kasong panghahalay sa kanyang pinsan na may kapansanan sa lungsod ng legazpi.

Kinilala ang akusado sa pangalang alyas “Jayson”, 55 anyos, may asawa, at residente ng Sitio Bariw, Brgy. Estanza ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, sa sumbong ng biktima, alas sinko noong Mayo 3, 2021, nagboluntaryo umano ang kanyang pinsan na imasahe siya sa loob ng bahay nito. Habang isinasagawa ang pagmamasahe, hinawakan umano nito ang pribadong parte ng kanyang katawan at pwersahan siyang minolestiya ng akusado.

Wala nang nagawa ang biktima kundi ang umiyak na lamang dahil binantaan pa umano siya nito na huwag magsusumbog kung kanino man kung ayaw mapahiya ang buong pamilya.

Balot man ng takot ay nagawa pa rin magsumbong ng biktima sa Legazpi CPS noong Mayo 27, 2021 na agad namang inaksyunan ng nasabing himpilan. Matapos makuha ang “Warrant of Arrest” para sa kasong “Rape”, na ipinalabas ng korte noong Oktubre 7, 2021, ay agad na hinanap ng  mga operatiba ang akusadong  si “Jayson” hanggang sa mamataan at maaresto ito sa Brgy. Bitano, ng legazpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *