SWS – Joblessness, tumaas pa sa 13.5M Filipinos sa Q2 ng 2021

Lumabas sa bagong resulta sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na nasa 13.5 million adult Filipinos ang walang trabaho sa second quarter ng taon.

Ang naturang datos ay mas mataas kumpara sa 12.2 million unemployed Filipinos na naitala sa unang quarter ng 2021.

Paliwanag ng SWS, ang national Social Weather Survey noong June 23-26, 2021, ay nakitang nasa 27.6% ang mga adult joblessness mula sa adult labor force, kung saan ito ay 1.8 points na mas mataas sa 25.8% noong May 2021 at 10.1 points na mas mataas sa pre-pandemic level na 17.5% noong December 2019.

Inilarawan ng poll body ang ‘Labor Force’ bilang mga adults na may edad 18 taong gulang pataas na kasalukuyang may trabaho at mga naghahanap ng trabaho.

Binigyang diin ng SWS na ang joblessness ay umabot na sa catastrophic level na 45.5% noong July 2020, at lumuwag sa 39.5% noong September 2020, 27.3% noong November 2020, at 25.8% noong May 2021, bago tumaas pa sa 27.6% noong June 2021. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *