TALAYAN, MAGUINDANAO – NAKASAMSAM ng nasa kalahating kilo ng pinaniniwalaang shabu ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM sa inilunsad na buy-bust operation alas 1:30 ng hapon kahapon sa may Sea Oil Gas station, Brgy. Pobalacion, Talayan, Maguindanao.

Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director JUVENAL AZURIN ang suspek na si SANTOKAN MANTIKAYAN alias SUNNY BOY.Ayon kay Director Azurin, lumalabas na nakipagkasundo umano ang suspek at sa isang undercover agent ng PDEA para sa isang drug transaction subalit matapos ang abutan ng droga at ng boodle money ay agad kumaripas ng takbo si SUNNY BOY ng aarestuhin na ng mga anti-narcotics authorities.Sinubukan pang habulin ng mga operatiba ang suspek subalit mabilis umano itong nakatakbo hanggang sa tuluyang makawala.Nakuha sa nasabing operasyon ang pitong jumbo pack na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may national average price na P3,400,00.00, isang unit ng Honda Click 125 scooter at kasamang nabawi ang P900,000.00 boodle money.Inihahanda naman ngayon ng PDEA-BARMM ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek samantalang ang mga narekober na ebidensya ay nasa kostudiya na ngayon ng ahensya para sa proper disposition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *