Tatlong inmate sa isang District Jail sa Surigao del Sur, nakatakas

Patuloy pang pinaghahanap ng BJMP-Cantilan District Jail sa Surigao del Sur ang tatlo nilang inmate na tumakas kahapon ng madaling araw matapos ang ginawang jail break sa nasabing pasilidad.

Sa ngayon, wala pang official na statement ang nasabing jail facility kung bakit nangyari ang nasabing jailbreak. Maliban sa BJMP na naglunsad na ng special unit manhunt operation, nakipagtulungan na rin sila sa ibang law enforcement units para marekober at mabalik sa selda ang nasabing mga bilanggo.

Kinilala ang mga inmates na nakatakas na sila Renwood Baya na may kasong carnapping, Junmar Quezada na may kasong robbery at Edgardo Pinoy Jr. na may kasong rape.

Pinag-iingat ang katabing mga bayan na posibleng pinagtataguan at tinutuluyan ng nasabing mga bilanggo dahil makonsidera silang extremely armed at dangerous. Kung sinong nakakilala sa nasabing mga nakatakas o tumugma sa deskripsyon ng nasabing mga inmate maaring ipagbigay-alam sa pinaka-malapit na himpilan ng pulisya.(BNFM TRENTO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *