11 mangingisda, hinuli sa Aborlan

Arestado ang labing-isang mangingisda sa karagatan ng Barangay Tagpait, Aborlan, Palawan nitong Martes, May 24, 2022.

Kinilala ang mga nahuli na sina Rannie Calampiano, Domizar Prieto, Albert Nunez, Zaldy Calampiano, Emmanuel Aurino, Al Ramirez, Renato Estorpe, Aljune Cantado, Reymar Duro, Dindi Calampiano Sr., at Raffy Manalo.

Ayon sa ulat ng 2nd Special Operation Unit-  Maritime Group , ang mga mangingisda ay sakay ng motorbanca na walang kaukolang dokumento mula sa Lokal na Pamahalaan.

Nahaharap ang mga nahuli sa paglabag sa of Section 51 of Aborlan Municipal Ordinance No. 8 Series of 2016.

Ang mga ebidensya at mga bangka ay kinumpiska at dinala sa 2nd Maritime Group Quezon para sa disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *