Tatlumpung senior citizen na edad 90 pataas sa bayan ng daet, pinagkalooban ng cash incentives ng lokal na pamahalaan

CAMARINES NORTE- Pinagkalooban ng cash incentives ang tatlumpung Senior Citizen na edad 90 pataas sa bayan ng Daet

Nakatanggap sila ng insentibo na nagkakahalaga ng 20,000 pesos at Certificate of Recognition na mula sa nasabing lokal na pamahalaan

Personal itong  ipinamahagi ng mga kawani ng Office of the Senior Citizen Association (OSCA)  at Federation of Senior Citizens Association

Ang pinakabata sa tatlumpung Senior Citizen na nasabing benepisyaryo ay 92 years old  na si nanay Loreta Pante ng Barangay I at ang pinakamatanda naman ay si nanay Aurora Remot, 101 taong gulang  na mula naman sa Barangay Camambugan

Ang pamamahagi ng cash incentives ay alinsunod sa Ordinance No. 368-2020 na kung saan binibigyan ng pagkilala at karagdagang benepisyo ang mga senior citizens na edad 90 pataas na residente ng bayan ng Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *