TBoli, kinatawan ng Pilipinas sa International Ecotourism Travel Mart

KORONADAL CITY- TUMATAYONG kinatawan ng Pilipinas ang bayan ng TBoli sa pinakaunang International Ecotourism Travel Mart na isinasagawa ngayon sa International School of Sustainable Tourism sa Silang, Cavite. Ito ay nagsimula kahapon, March 29 hanggang April 2, 2023.

Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng International School of Sustainable Tourism na may temang ‘’Embracing Authentic Ecotourism; An Ecotourism Festival’’.

Nasa 400 hanggang 500 mga local at foreign delegates mula sa 37 mga bansa ang kalahok dito.

Layon nito na mashowcase ang ecotourism bilang isang importanteng konsepto para sa isang bansa na mayaman sa biodiversity, natural at cultural resources.

Ang delegasyon ng TBoli ay pinangungunahan ni TBoli Senior Tourism Officer Rodel Hilado.

Ipapakita nito ang mga programa, aktibidad at best practices nito sa larangan ng turismo.

Matatandaan na pinarangalan ang TBoli bilang Best Tourism-Oriented Municipal Local Government Unit noong nakaraang taon sa ginanap na 23rd ATOP National Convention: Pearl Awards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *